Matobato, hiniling sa SC sa Maynila litisin ang kaso

MANILA, Philippines - Hiniling sa Korte Suprema ng kampo ni Edgar Matobato na ilipat sa Maynila ang paglilitis ng kanyang kasong paglabag sa Republic Act 105-91 o illegal possession of firearms na naka­binbin sa hukuman sa Davao City.

Ang petition to transfer venue na inihain sa pamamagitan ng abugado ni Matobato na si Atty. Jude Sabio ay inihain sa Office of the Court Administrator na nasa Korte Suprema kaninang umaga. Ito ay para maiwasan umano ang tinatawag na ‘miscarriage of justice’.

Ipinunto pa ng kampo ni Matobato ang banta sa kanyang seguridad matapos niyang isiwalat sa pagdinig ng Senado ang kanyang nalalaman sa operasyon ng ‘Davao Death Squad’ na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawang batayan sa petisyon ang pagpapahintulot ng Korte Suprema na mailipat ng Lungsod ng Taguig ang paglilitis sa kaso na may kinalaman sa binansagang Zamboanga seige kung saan akusado si MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Ang paglilipat ng lugar ng paglilitis sa kaso ni Misuari ay bunsod na rin ng problema sa seguridad sa Zamboanga City.  

Show comments