Pagtiyak ni Goldberg alyansa ng Pilipinas, US nananatiling matatag
MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga maaanghang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay ng pagbabago sa pandayuhang polisiya, nanatiling matatag ang alyansa sa pagitan ng kanilang bansa sa Pilipinas.
Ito ang tiniyak kahapon ni outgoing US Ambassador Philip Goldberg na sinabing hindi sila nagbabago at pinananatili ang diplomasya.
Ginawa ni Goldberg ang pahayag matapos nitong pangunahan ang pagpapasinaya sa ikalawang segunda manong C-130 Hercules T aircraft na nabili ng Pilipinas sa United States sa ginanap na seremonya kahapon sa Philippine Air Force (PAF) sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Ang nasabing eroplano ay nabili sa ilalim ng Defense Article Program noong unang bahagi ng buwan ay pormal na itinurnover sa 220th Air Lift Wing sa Villamor Air Base sa himpilan ng PAF.
Bukod kay Goldberg, dumalo rin sa okasyon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya, PAF Chief Lt. Gen. Edgar Fallorina, Air Logistics Command Chief Arnold Mancita at 22oth Airlift Wing Commander Brig. Gen. Nicolas Parilla.
Sinabi ni Goldberg sa kabila ng mga pagbabago sa dayuhang polisiya ng administrasyong Duterte ay nanalig pa rin sila sa matatag na alyansa sa pagitan ng dalawang bansa na nasa 70 taon ng magkaalyado.
Ayon kay Goldberg ang turn-over ng C 130T aircraft ay simbolo ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
“Quite a bit has happened since then, quite a bit has change since then but one thing hasn’t change and that is the United States commitment to the Philippines and people of the Philippines remains as strong as ever,” ayon pa sa US envoy.
Inihayag ni Goldberg na ang procurement o co-investment, poolings ng mga assets, pera at mga talent ay siyang patunay ng matatag na partnership.
Ayon kay Goldberg, lilinawin nila sa mga opisyal ng pamahalaan kung ano ang ibig sabihin at nais mangyari ni Pangulong Duterte sa pahayag nitong paghiwalay sa Estados Unidos.
- Latest