^

Bansa

Death toll sa ‘Lawin’: 19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 19 katao ang nasawi sa nagdaang pananalasa ng supertyphoon Lawin, dalawa ang nasu­gatan at dalawa ang nawawala sa Northern Luzon, ayon sa pinagsamang ulat ng mga opisyal kahapon.  

Sa report ng Cordillera Police at Regional Office of Civil Defense (OCD), mayorya sa mga nasawi ay mula sa kanilang rehiyon na umaabot sa 13 katao, isa ang napaulat na nawawala at dalawa naman ang nasugatan.

Sa lalawigan ng Cagayan, sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na nakatanggap sila ng ulat na apat ang nasawi sa Cagayan  at isa pa ang nawawala.

Gayunman, sa 13 iniulat na nasawi mula sa Cordillera ay walo pa lamang ayon sa opisyal ng kanilang kinukumpirma dahil naisyuhan na ang mga ito ang Death Certificate ng Department of Health (DOH) na sanhi ng bagyo ang kamatayan.

SUPERTYPHOON LAWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with