^

Bansa

Desisyon ng SC sa Marcos burial susundin ng Palasyo

Nina Rudy Andal at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang maging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa paglilibing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sinabi ni Usec. Abella sa media briefing kahapon sa Malacañang, rerespetuhin ni Pangulong Duterte ang magi­ging desisyon ng High Tribunal kaugnay sa petis­yon sa burial ni Pa­ngulong Marcos sa Libi­ngan ng mga Bayani.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi sa kanyang departure statement bago tumulak patungong Brunei noong Linggo na igagalang nito at susundin ang anumang maging desisyon ng Supreme Court kaugnay sa Marcos burial

Samantala, ipinakita ng mga Marcos loya­list ang kanilang suporta  nang magsagawa ng prayer rally  kahapon sa harap ng Korte Suprema para umano  ilibing na sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Marcos.

Pinangunahan kahapon ni Ilocos Governor Imee Marcos kasama  ng kanyang mga tagasuporta na umabot sa 1,000 at nakasuot  ng kulay pulang damit at panyo  sa ulo na may tatak na larawan ng Marcos.

Ngayong araw ay mag-eexpire o magtatapos na ang bisa ng ‘Status Quo Ante Order’ na inisyu ng Supreme Court kaugnay sa usapin kung papayagan ba o hindi ang paghihimlay kay Marcos sa nasabing libingan.

Magugunitang idinaan pa sa oral arguments sa korte suprema ang usapin at matapos ang serye ng talakayan o argumento ay nagpalabas ng 20 days extension nuong September 7 ang mga mahistrado para palawigin ang status quo ante order at ito nga ay mag-eexpire ngayon.

vuukle comment

MARCOS BURIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with