^

Bansa

‘Karen’ lalong lumakas

VERBAL VARIETY - Pilipino Star Ngayon
‘Karen’ lalong lumakas
Inihahanda ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard-Special Operation Group ang kanilang mga rubber boat at rescue equipment para sa posibleng pagpapadala sa kanila sa rescue operation sa mga biktima ng bagyong Karen.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang iniulat na nasawi kabilang ang dalawang bata matapos na matabunan ng gumuhong tone-toneladang bato sa landslide sa Binangonan, Rizal sa kasagsagan ng pana­nalasa ng bagyong Karen sa Southern Luzon.

Kasabay nito, itinaas ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Servi­ces Administration ang storm surge warning sa mga baybaying dadaanan ng bagyong Karen kasabay ng lalong paglakas nito. Isinailalim na rin ang 13 lalawigan sa cyclone warning signal.

 Sa report ni Major Virgilio Perez Jr., Public Information Officer ng Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command, dakong alas-10:00  ng gabi nang mangyari ang insidente kamakalawa sa gitna na rin ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot  ng bagyong Karen.

 Kinilala ni Perez ang mga nasawi na sina Arcille Latoja, 26 anyos; Rex Adrian Latoja, 6 taong gulang at Reynold Latoja, 3 anyos, pawang mula sa iisang pamilya.

 Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasugatang biktima na si Luisito Oliveros, 38.

 Sa report na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong ka­bahayan  ang natabunan sa pagguho ng mga bato sa Brgy. Ithan, Bina­ngonan.

Agad namang nagsagawa ng rescue and retrieval operation ang Army Southern Luzon Command at nahukay ang mga bangkay ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay naka-preposition na ang mga sundalo mula sa Southern Tagalog at Bicol Regions para sa rapid deployment  para tumulong sa mga residente na maapektuhan ng bagyo.

Ayon naman sa Pagasa, na posibleng magkaroon ng mga storm surge o daluyong sa mga baybaying nasa ilalim ng Signal No. 2 at 3. Sa karagatan ay maaaring tumaas nang hanggang 14 na metro ang mga alon.

Sa panig naman ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nakahanda na ang kanilang mga tauhan sa humanitarian and disaster response sa mga lugar na binabayo ng bagyong Karen.

 Nitong Biyernes ng gabi ay una nang isinailalim ng NDRRMC sa red alert status ang kanilang mga Regional Offices sa mga apektado ng bagyo.

 Kabilang dito ay ang sampung lalawigan na nasa ilalim ng signal number 1 habang nagbabanta si Karen sa mga lalawigan sa Central Luzon.

Nabatid na nasa 4,000 ang mga pasahero naistranded sa mga pantalan sa Bicol Region  at iba pang lugar sa Southern Tagalog tulad sa Batangas pier. Nasa 200 namang biyahe ng eroplano ang nakansela bunga ng hagupit ng bagyo.

Nakataas na ang tropical cyclone signal number three sa Catan­duanes, Camarines Norte, Northern Quezon, kasama na ang Polilio island, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac, Pangasinan, Aurora at Northern Zambales

Signal number two  naman sa nalalabing bahagi ng Quezon, Camarines Sur, Albay, Rizal, Nueva Ecija, Quirino, La Union, Benguet,Catanduanes, Bulacan, nalalabing parte ng Zambales, Pampanga, Ifugao. Benguet at Southern Isabela.

 Signal number one (1) pa rin sa Sorsogon, Masbate, kabilang na ang Ticao at Burias Island, Isabela, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Metro Manila, Pampanga, Bataan, Ifugao at Northern Samar.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa la­yong 95 km hilaga hilagang silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng ha­ngin na 130 kph at may pagbugsong 180 kph. Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hila­gang kanluran sa bilis na 17 kph. 

vuukle comment

BAGYONG KAREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with