Mega rehab center sa Nueva Ecija bubuksan sa Nobyembre - DOH
MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 10,000 kama na ang nasa ‘mega’ rehabilitation center ng mga drug addicts ang bubuksan sa Nobyembre sa Nueva Ecija.
Ito naman ang binigyan diin ni Health Secretary Paulyn Ubial kung saan 2,500 kama ang ibibigay sa October 15 habang ang 7,500 beds ay dadalhin sa November 16.
Ang nasabing rehab center ay ipinatayo sa loob ng Fort Magsaysay na si Huang Ru Lu na isang philanthropist mula sa China.
Sinabi ni Ubial na si Huang mismo ang nagtanong kay Pangulong Rody Duterte hinggil sa kung ano ang maaari nitong maitulong sa bansa.
Nilinaw din ni Ubial na walang presyong nakalagay sa kanyang pinirmahan na donation paper at sa halip ay tanging 100,000 sqm. na pasilidad na kayang tumanggap ng 10,000 beds ang nakasaad sa nasabing dokumento.
“The goal is to establish two mega treatment rehab centers in Luzon, one in the Visayas and one in Mindanao,” dagga pa ni Ubial.
Umaabot sa 720,000 drug addicts ang sumuko na at 15,000 dito at nearest sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Dagdag pa ni Ubial, na ang mga drug user o drug dependent ay hindi kaaway ng batas sa halip ang mga ito ay biktima ng drug trade sa bansa.
- Latest