^

Bansa

Double-decker bus service sa Metro Manila, inilunsad ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Double-decker bus service sa Metro Manila, inilunsad ng DOTr
Nabatid na 14 na bagong double-decker buses ang inilunsad ng DOTr sa ilalim ng kanilang point-to-point (P2P) program.
MICHAEL VARCAS

MANILA, Philippines – Inilunsad na kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang double-decker buses bilang opsyon para sa mga moto-rista na maaapektuhan ng ‘no window hours’ na naka­takdang ipatupad sa mga pangunahing lansangan at ilang lungsod sa susunod na linggo.

Nabatid na 14 na bagong double-decker buses ang inilunsad ng DOTr sa ilalim ng kanilang point-to-point (P2P) program.

Ang mga bagong double-decker bus ay bibiyahe sa Trinoma-Makati (Glorietta 5) route at ide-deploy sa loob ng 24-oras, mula Lunes hanggang Linggo.

Ang single journey fare nito ay nagkakahalaga lamang ng P55 habang ang round trip ticket ay P80 naman ngunit maaari ring bumili ang mga pasahero ng one month, unlimited ride promo na nagkakahalaga lamang ng P 1,300.

Ayon sa DOTr, kabilang sa mga inilunsad kahapon ay yaong dalawang VIP, pitong semi-VIP, at limang PWD-friendly buses.

Kumpiyansa naman ang DOTr na ang mga naturang double-decker buses ay magiging malaking tulong sa mga pribadong moto-rista na maaapektuhan ng ‘no window hours’ policy, na ipapatupad sa mga pangu­nahing kalsada kabilang   ang EDSA, C5, Alabang-Zapote Road at Roxas Boulevard, gayundin sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Piñas at Makati.

Bagamat sa Lunes, Oktubre 17 pa ang pormal na pagpapatupad ng ‘no window hours policy’ ay nagsimula naman ang dry-run nito kahapon na magtatagal hanggang sa Oktubre 14.

Ipatutupad ang polisiya hanggang sa Enero 31, 2017 bilang paghahanda sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong Christmas season.

BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with