^

Bansa

EJK inamin ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong extra judicial killings na naganap sa gitna ng giyera kontra droga ng pamahalaan pero hindi niya iniutos ito sa pulisya.

Ito ang iginiit ni Pa­ngulong Duterte sa harap ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa ginanap na mass oath-taking sa Malacañang.

Sinabi ni Duterte, naririyan na ang narco-politics at kapag hinayaan niya ito ay siguradong wawasakin nito ang bansa at ang kinabukasan ng mga kabataan.

Aniya, nilalaro ang droga sa loob mismo ng National Bilibid Prison gaya ng pahayag ng inmate na si Jaybee Sebastian sa pagtestigo nito sa Kamara.

Wika pa nito, kailangan niyang mawasak ang apparatus ng drug syndicate subalit ang mga tinaguriang big fish ay nasa labas ng bansa at ginagamit lamang nilang market ang Maynila.

“If I drop drug war, narcotics will destroy the country,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ng Pangulo, ang narco politics ay tungkol sa pagkagahaman sa salapi.

Sinabi pa ni Duterte, nasa 3,000 barangay officials at 6,000 na pulis ang sangkot sa illegal drugs sa kanyang 3rd narco list.

Aniya, pinapanalangin ng narco politicians na ito na bumagsak sana ang aking eroplano o kaya ay mapatay ako para happy-happy na ulit sila.

Kabilang sina Dean Amado Valdez bilang SSS chief, Atty. Karen Jimeno bilang undersecretary for legal affairs and priority projects, Martin Dino bilang SBMA chairman ang nanumpa kahapon kay Duterte sa Malacañang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with