Signal no.1 sa 4 na probinsya kay ‘Julian’

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Julian” ang kaniyang lakas habang papalapit sa extreme northern Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 465 kilometro silangan hilaga-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng pang-10 bagyo ngayong taon ang lakas na 45 kilometers per hour at bugsong aabot sa 55 kph.

Mabagal ang paggalaw ni Julian sa bilis lamang na 25 kph.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Lalapit sa 65 km hilaga hilaga-silangan ng Calayan, Cagayan ang bagyo bukas at inaasahan itong lalabas ng Philippine area of responsibility sa Biyernes.

Show comments