Ex Gov. Reyes kinasuhan ng graft

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes dahil sa pagkakasangkot umano nito sa fertilizer fund scam.

Si Reyes ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng umano’y maanonalyang  pagbili ng P3.2 milyong halaga ng liquid fertilizers mula sa Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation Inc. (MAMFI) noong 2004 nang walang public bidding.

Ang MAMFI ay isang non-government organization na iniuugnay sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles. Respondent din sa kaso si Department of Agriculture (DA) Officer-in-Charge Regional Technical Director Rodolfo Guieb, DA Regional Executive Director Dennis Araullo, MAMFI President Marina Sula na dating empleyado ni Napoles at kinatawan ng NGO na si Nathaniel Tan.

 Inirekomenda naman ng anti-graft court ang P30,000  piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.

Show comments