^

Bansa

Abu kakainin ko nang buhay! – Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakai­nin niya nang buhay ang Abu Sayyaf Group (ASG) basta mayroon lamang siyang asin at suka.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag ka­makalawa ng gabi sa pagharap niya sa Filipino community sa Vientiane, Laos.

“That’s true, if you annoy me to the fullest, I will eat you (Abu Sayyaf) alive. Raw. Just give me vinegar and salt, I will eat you,” wika ni Pangulong Duterte patungkol sa Abu Sayyaf na patuloy sa paghahasik ng terorismo sa Mindanao.

“Go ahead. Set off bombs. Time will come when I will eat you in front of the people. I will devour you and if I have to, erase you,” dagdag pa ni Duterte sa Filipino community sa Laos.

Dumalo si Duterte sa 28th at 29th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos mula Setyembre 6-8 saka siya didiretso sa Indonesia para sa working visit.

Hiniling din ni Duterte sa mga Filipino sa Laos ang pang-unawa sa inilunsad niyang drug war at giyera laban sa Abu Sayyaf.

Siniguro din ng Pangulo sa mga Pinoy na kapag umuwi sila sa Pilipinas ay malinis na ito mula sa corruptions na kanyang ipina­ngako noong presidential campaign.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with