MANILA, Philippines – Kinansela ni United States President Barack Obama ang nakatakda nilang pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin sana sa Laos bilang bahagi ng kanilang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
"Clearly, he's a colorful guy," wika ni Obama. "What I've instructed my team to do is talk to their Philippine counterparts to find out is this in fact a time where we can have some constructive, productive conversations."
Nag-ugat ito nang sabihin ni Duterte bago ang kaniyang paglipad sa Laos na hindi niya kailangang magpaliwanag kay Obama tungkol sa mga isyu ng paglabag sa karapataang pantao at extrajudicial killings.
BASAHIN: Obama, sino ba siya? - Digong
“I do not respond to anybody but the people of the Philippines. Wala akong pakialam sa kanya. Who is he?” pahayag ni Duterte.
Bago kanselahin ni Obama ang pagpupulong ay sinabi niya na nais niyang talakayin ang isyu ng extrajudicial killings.