Anti-drug infomercial inilunsad
MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng Malacañang ang anti-drug informercial ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar.
Sinabi ni Sec. Andanar, layunin nitong ipabatid sa publiko ang masamang dulot ng illegal drugs at kung ano ang ginagawa ng Duterte government upang tuluyang masugpo ang illegal drug trade sa bansa.
Inilarawan din sa anti-drug TV ads ang masamang epekto ng paggamit ng illegal drugs at pagiging apektado ng pamilya na mayroong drug addict na miyembro.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang paggamit ng illegal drugs ay sisira sa katauhan ng isang indibidwal.
Idinagdag pa ni Sec. Andanar, ang nasabing TV ad ay sa ilalim ng direksyon ni film director Brillante Mendoza.
Wika pa ni Andanar, ang nasabing TV ad ay libreng ipapalabas sa ABS-CBN, TV 5 at sa lahat ng SM cinemas.
- Latest