Umano’y P24M na deposito sa ex-DOJ employee bineberipika pa – Aguirre
MANILA, Philippines — Premature information ang umano’y P24 milyon na idineposito sa account ng isang dating empleyado ng Department of Justice, ayon mismo kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ngayong Biyernes.
Sinabi ni Aguirre na hindi niya alam kung sino ang naglabas ng impormasyon sa cash deposits ng account ni Edna "Bogs" Obuyes. Isang dating clerk sa DOJ si Obuyes noong nakaupo pang Justice secretary ang ngayo’y Sen. Leila de Lima.
"Bineberipika pa namin 'yan dahil ayaw naming makuryente," pahayag ni Aguirre kay Noli de Castro sa dzMM.
BASAHIN: Documents show P24-M cash deposits by De Lima staff
Aniya tanging ang impormasyon na hawak lamang niya ay ang pagpasok ng pera si Obuyes sa accout ng dating driver ni De Lima na si Ronnie Dayan na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalaguyo ni De Lima.
Sa nakuhang papeles ng The STAR mula sa isang DOJ source ay nakita ang bank deposit slips na umabot sa P24 milyon noong Marso at Abril 2014.
Samantala, binalaan naman ni De Lima si Aguirre at National Bureau of Investigation Director Dante Gierran sa pag-imbento ng mga ebidensya laban sa kaniya.
BASAHIN: Ex-clerk ni De Lima itinanggi ang P24M deposits, bank account
- Latest