^

Bansa

Bagyong ‘Enteng’ bumabayo sa Batanes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong âEntengâ bumabayo sa Batanes
NDFP spokesperson Fidel Agcaoili and consultant Randall Echanis at a press conference in Davao City.
Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines - Isa na ngayong bagyo na may pangalang “Enteng” ang isang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PagAsa) sa may hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at patuloy ang pagkilos pahilagang silangan.

 Ayon sa Pag Asa, si Enteng ay magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon na may estimated rainfall amount na 250 km diameter .Naaapektuhan ng habagat si Enteng kayat magdudulot ito ng malawakang pag ulan sa Luzon laluna sa Pangasinan, La Union at Benguet.

 Alas-11 ng umaga kahapon, ang bagyong Enteng ay namataan ng PagAsa sa layong 730 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa  65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras. Ito ay kumikilos pahilagang silangan sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

 Ngayong Biyernes, si Enteng ay inaasahang nasa layong 1,120 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at sa Sabado ay nasa layong 1,275 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at palabas na ng Pilipinas.

FIDEL AGCAOILI

NDF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with