^

Bansa

FDA nagbabala sa maling paggamit ng insecticide, anti-mosquito lotion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration ang  publiko hinggil sa tamang paggamit ng mga household pesticide o pamatay ng lamok at insekto at anti-mosquito lotion.

Sa inilabas na consumer manual ng FDA, nakasaad na kapag bibili ng anumang mosquito repellent, siguraduhing aprubado ito ng ahensya, lalo’t maraming naglipanang produktong hindi naman umano FDA approved. Dapat sundin ang instructions kung paano gamitin ang insect spray, katol o lotion at  kailangan ilayo ito sa pagkain at huwag bayaang maabot ng mga bata.

Ayon sa FDA, peligrosong manatili sa isang lugar na may nakabukas na katol o kung nag-spray ng insecticide.

Giit na kapag gagamit naman ng mosquito repellent lotion, dapat mag-skin test muna.  Maglagay ng kaunting mosquito lotion sa braso o sa likod ng tenga at obserbahan muna kung magkakaroon ng reaksyon tulad ng rashes o pangangati. Hindi rin dapat maglagay ng naturang lotion sa mukha at pagkatapos magpahid ng insect repellent lotion ay kailangang maghugas ng kamay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with