^

Bansa

899 ‘drug killings’ binubusisi ng PNP

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 899 ang kaso ng “summary executions” dahil sa droga ang iniimbestigahan habang 665 ang nasawi sa lehitimong operasyon ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang isiniwalat kahapon ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa unang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa panukalang pagbuo ng Presidential Anti-Drug Authority; pagbibigay ng murang rehabilitation treatment sa ilalim ng PhilHealth; Comprehensive Dangerous Drugs Act; at imbestigasyon sa drug prevention at intervention para sa mga kabataan.

Sa tanong ni Senator Grace Poe kay Dela Rosa kung ilan na ang kabuuang bilang ng mga napapatay dahil sa kampanya laban sa ilegal na droga sumagot si Dela Rosa na may 665 na ang napatay sa legitimate operations.

 Pero nang tanungin ni Poe kung hindi kasama sa nasabing bilang ang napaslang ng mga sinasabing vigilantes, sinabi ni Dela Rosa na 899 ang kanilang iniimbestigahang kaso. “Your honor, as of July 1-August 15 we have a total number of deaths under investigation, 899,” pahayag ni Dela Rosa.

Ayon kay De la Rosa, ang nasabing bilang ng mga pinaslang ay kagagawan ng mga armadong kalalakihan at hindi sa lehitimong operasyon ng mga operatiba ng pulisya. Inihayag rin ni Dela Rosa na sa bilang ng mga napapatay, 22 kaso pa llan dito ang naiisampa sa korte.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with