^

Bansa

$32-M tulong ng US sa Pinas vs droga!

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako kahapon ng $32 milyong tulong ang Estados Unidos sa Pilipinas para sa pagsasanay at serbisyo ng mga law enforcements sa Pilipinas na naglalayong labanan ang illegal na droga at kriminalidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella. ang nasabing ayuda ng Estados Unidos ay personal na ipinarating ni US Secretary of State John Kerry kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang mag-courtesy call kasama si US Ambassaor to Manila Philip Goldberg at iba pang US officials kahapon sa Malacanang.

Sinabi ni Abella na si­niguro ni Kerry kay Pangulong Duterte na mananatili ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa kanilang pulong, tinalakay ng Pangulo at Kerry ang mga isyu ukol sa terorismo, krimen, illegal drugs at maritime security particular sa West Philippine Sea (WPS). Nakipagpulong din si Kerry.

Nilinaw din ni Abella, walang malinaw na napagkasunduan sina Duterte at Kerry kaugnay sa magiging posisyon ng dalawang bansa ukol sa maritime disputes na WPS sa kabila ng paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China.

Sinabi ni Abella, walang relasyon ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para magamit ito upang ipatupad ang ruling ng PCA sa WPS.

Bago ang pagtungo ni Kerry sa Palasyo, una siyang nag-courtesy call kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. at nagkaroon ng joint press conference sa DFA Press room.

Sinabi ni Kerry na ang layunin ng 2-araw nitong pagbisita sa Manila ay palakasin at mapatatag ang diplomatic relation ng US sa Pilipinas.

Sinabi ni Kerry na mananatiling kaalyado ng US ang Pilipinas at magpapa­tuloy ang pagbibigay nila ng suporta o tulong para mapalago ang ekonomiya at labanan ang terorismo.

“Unfortunately the Philippines is no stranger to the threat of terrorism. This nation has been managing these threats by groups like Abu Sayyaf for some period in time. Our nations work very closely together in order to counter those threats,” pahayag ni Kerry.

Handa rin umano ang US na depensahan ang mga kaalyadong bansa kabilang na ang Pilipinas na naayon sa umiiral na US-Phl treaty partikular ang Visiting Forces Agreement at EDCA. Binanggit niya ang kahalagahan ng EDCA sa Pilipinas.

“The EDCA agreement will also expand opportunities for our militaries to train together and that will help to modernize the Armed Forces of the Philippines in order to help them to be able to increase their effectiveness in responding to 21st century threats,” ani Kerry.

Muling nilinaw ni Kerry na hindi “claimant” ang US sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS o South China Sea pero iginiit na kaisa ang US sa layuning masunod ang “rule of law” at maobserba ang “freedom of navigation” ng mga bansa upang magkaroon ng kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Muling nanawagan si Kerry sa bawat partido (Pilipinas, China at iba pang claimants sa WPS) na panatilin ang pagiging mahinahon at sundin ang international law kasunod ng naging ruling ng United Nations Arbitral Tribunal na pumapabor sa Pilipinas.

Iginiit ni Kerry na kaisa ng Pilipinas ang US sa pagsusulong ng diplomatikong negosasyon (sa China) upang maresolba ang isyu sa pinag-aaga­wang teritoryo sa WPS.

Aniya, nananatiling matibay ang relasyon ng US at Pilipinas kung saan binanggit na apat na mil­yong Pinoy ang nakatira ngayon sa US habang nasa 500,000 Amerikano naman ang nasa Pilipinas.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with