^

Bansa

Mangisda pero ‘ingat’! Payo ng Palasyo sa mga papalaot sa WPS

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Malacañang na hindi nila pinagbabawalan ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa Scarborough Shoal pero pinag-iingat lamang sila, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sinabi ni Sec. Abella, hindi pinagbabawalan ng gobyerno na mangisda sa Scarborough Shoal ang mga mangingisda mula sa Zambales subalit pinayuhan silang mag-ingat sa kanilang paglalayag.

“Fishermen not being prevented from fishing in Scarborough, but asked to proceed with caution,” paliwanag pa ni Sec. Abella sa media briefing sa Malacañang.

Magugunita na nagre­reklamo muli ang mga mangingisda sa Scarbo­rough Shoal dahil sa ginagawang pagtataboy sa kanila ng Chinese Coast Guard na nagbabawal sa kanilang mangisda sa nasabing lugar.

May nakabantay na barko ng Chinese Coast Guard bago pumasok sa Scarborough Shoal at ng may magtangkang mangingisda na pumasok sa lugar ay pinaikutan sila ng speed at motor boat ng CCG at inutusan silang  lisanin ang lugar.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Masinloc, Zambales Mayor Arsenia Lim na halos wala nang makain ang daang mangi­ngisda at kanilang pamil­ya sa Masinloc dahil sa epekto ng panggigipit at pagharang ng mga Tsino sa mga Pinoy sa sari­ling teritoryo sa Scarbo­rough Shoal.

Sinabi ni Lim na hindi na pinahintulutan ang mga mangingisda na magtu­ngo sa Scarborough dahil sa ginawang pagbabawal ng mga Tsino.

Sa gilid-gilid na lang umano ng baybayin ng Masinloc nanghuhuli ng isda ang mga apektadong mangingisda kung saan halos wala silang makuha.

Nanawagan si Lim na masolusyunan ang araw-araw na pangangaila­ngan ng mga apektadong mangingisda at mabigyan sila ng gobyerno ng livelihood o mapagkakakitaan bilang alternatibo nilang ikabubuhay.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with