SSS pension hike isinulong muli sa Senado

MANILA, Philippines - Matapos na mabigong maisabatas nang i-veto ni da­ting Pangulong Aquino, muling inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang batas na naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng pension ng Social Security System. Sa Senate Bill 91 ni Trillanes, layunin nitong magpatupad ng P2,000 across the board increase sa pension.

Ayon kay Trillanes, may 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. “Simula nang maisabatas ito, kasama ng pagtaas pa sa cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot na nakukuha ng ating mga SSS pensioners, na matatanda at kadalasang may sakit, ay hindi na sapat upang suportahan ang kanilang pamumuhay para makabili ng pagkain at gamot. Higit pa rito, ang mga pensioners na nagretiro matapos maipasa ang RA 8282 ay mas naghihirap dahil sa mas maliit na pension na kanilang nakukuha,” pahayag ni Trillanes. Idinagdag ni Trillanes na bagaman at nailusot sa 16th Congress ang panukalang magdadagdag sana sa pension ng SSS, hindi naman ito naging ganap na batas nang hindi lagdaan ng dating Pangulo.

Show comments