IRR ng Palarong Pambansa, nilagdaan

Sa pamamagitan anila ng naturang IRR ay maisusulong at mapag-iige pa ang Palarong Pambansa bilang pangunahing avenue para sa pagbibigay ng ‘in-school sports opportunities’ sa mga kabataan at mapahuhusay ang kanilang physical, intellectual, at social well-being. File photo

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ng Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Sports Commission (PSC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Palarong Pambansa  bilang basehan at pagtiyak na maayos ang pagdaraos ng naturang aktibidad.

Ayon sa DepEd, sa pamamagitan ng IRR ay magiging mas klaro ang mga panuntunan ng Palaro.

Matutukoy rin kung sino ang mga maaari at hindi maaaring maglaro, at kung anu-ano ang mga basehan ng mga pagdisku­walipika sa mga kalahok.

Nais ng DepEd na bago pa man umabot sa Pambansang Palaro ay maipatupad na kaagad ang proseso ng pagpili ng mga kalahok sa rehiyon at dibisyon pa lamang.

Kung may mga katanungan umano ay dapat na itong masagot sa lalong madaling panahon bago pa man ang mismong aktuwal na pagdaraos ng aktibidad.

Sa pamamagitan anila ng naturang IRR ay maisusulong at mapag-iige pa ang Palarong Pambansa bilang pangunahing avenue para sa pagbibigay ng ‘in-school sports opportunities’ sa mga kabataan at mapahuhusay ang kanilang physical, intellectual, at social well-being.

Una nang sinabi ni dating Education Secretary Armin Luistro na maraming mga magagandang epekto sa pag-institutionalize ng pagdaraos ng Palarong Pambansa.

“Itong batas (Republic Act No. 10588), nagbibigay po ito ng mas matibay na suporta na mapalawig lalo ng DepEd ang ganitong programa. Hindi lamang once a year na sports event, kundi a real sports development program in 81 provinces,” ani Luistro.

Show comments