^

Bansa

Duterte kay Robredo: Alalayan mo ako sa trabaho, bahagi ka ng administrasyon

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Bise Presidente Leni Robredo ngayong Martes ang pagkikita nila Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Malacanang kung saan nagpapaalalay aniya ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno sa kaniya.

Sinabi ni Robredo na nagkamustahan lamang sila ni Duterte sa kaniyang courtesy visit na ginawa sa Malacañan Study room at napag-usapan ang kanilang pag-a-adjust sa panibagong tungkulin nila sa bansa.

“Mas kuwentuhan ang ginawa namin, ang pinagdaanan namin noong kampanya, ang pinanggalingan namin. Ang dami kasing pareho sa amin in the sense na parang bigla ang ganitong pagkakataon. Pareho kaming reluctant candidate sa umpisa,” bahagi ni Robredo sa isang ambush interview sa kaniyang opisina sa Quezon City Reception House.

TINGNAN: Robredo binisita si Duterte sa Palasyo

Aniya binisita niya si Duterte upang mas pormal na ipaalam ang kaniyang suporta sa presidente at hindi para humingi ng posisyon sa gabinete.

“Sa unang pagkakataon pa lang sinabi ko na sa kanya na wala ako doon para mag-apply, nandito lang po ako para personal na ipahayag ang suporta ko,” wika ng bise presidente na ibihagi rin na nahiya siya nang tawagin siyang “ma’am” ni Duterte.

“Sinabi ko sa kanya na with or without a cabinet post he can expect from me the same kind of support.”

Inihatid pa ni Duterte si Robredo hanggang makasakay ng kaniyang sasakyan na inilarawan ng bise presidente na “Napaka-warm, napakabait.”

Kuwento pa ng dating kinatawan ng Camarines Sur na habang naglalakad sila palabas ay sinabihan siya ni Duterte ng: “Basta aalalayan mo ako sa trabaho.”

Binuksan din ni Duterte ang pintuan ng palasyo kay Robredo na magiging katuwang niya sa pagpapatakbo ng bansa sa susunod na anim na taon.

“Mas dalasan mo ang pagpunta dito dahil bahagi ka ng administrasyon. Mas mabuti ang nalalaman ko na sitwasyon sa bansa ay alam mo rin,” sabi ni Duterte ayon kay Robredo.

BASAHIN: Duterte pinangalanan ang 5 PNP generals na sangkot sa droga

Unang nagkita ang dalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno nitong Biyernes sa turnover ceremony ng Armed Forces of the Philippines kung saan nagkamayan sila at nagkausap ng sandal.

Marami ang natuwa sa pagkikita nina Duterte at Robredo na sa tingin din mismo ng bise presidente ay makabubuti  para sa bayan.

“Ang image lang namin na nagkakasundo kami I think will appease many minds na noong una troubled,” sabi ni Robredo.

“Siguro ang mga away between our supporters ay medyo mabawasan. Wala naman point na mag-away sila. Tingin ko importante ito sa moving forward.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with