MANILA, Philippines – Nag-courtesy visit na ngayong Lunes si Bise Presidente Leni Robredo kay Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañan Palace.
Nag-usap ang dalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno sa Malacañan Study room bandang 3:30 ng hapon, ngunit hindi pa ipinapaalam sa publiko kung ano ang kanilang napag-usapan.
BASAHIN: Duterte kay Robredo: Alalayan mo ako sa trabaho, bahagi ka ng administrasyon
Ito na ang ikalawang pagkikita nina Robredo at Duterte kasunod ng turn over ceremony ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Biyernes.
Mula nang maiproklama ay sinabi ni Robredo na buong suporta ang kaniyang ibibigay kay Duterte.