^

Bansa

36 patay, 150 pa sugatan sa Turkey Airport

Ellen Fernando at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Amy Perez, 11 pa muntik madale sa suicide bombing

MANILA, Philippines – Labindalawang Pilipino kabilang ang TV host na si Amy Perez ang na-stran­ded sa paliparan sa bansang Turkey matapos ang tatlong insidente ng suicide bombing at gun attack sa Istanbul na ikinamatay ng 36 katao at ikinasugat ng 150 iba pa kahapon.

Sinabi ni Perez sa kanyang post sa Instagram na kasama niya ang kanyang mister na si Carlo Castillo na lulan ng Turkish Airlines flight 1860 na dapat ay lalapag sa Ataturk Airport kung saan nagkaroon ng triple suicide bombing. Kabilang din naapektuhan ang flight dahil sa suicide attack sina Arlene Meyer, Jonalyn Viray, Rio Aldene Frani, Jessie Rey Alquitran, Edwin Flores, Armil Jay Cacayurin, Querubin Red Jr., Antonio Zafra, Henry Yamongan, at May Pioquinto.

Sinabi ni Perez na na-divert ang kanilang flight sa Izmir Adnan Menderes Airport sa Turkey dahil sa naganap na pambobomba sa nasabing airport.

Matapos na maglan­ding sa Izmir, pinayuhan sila ng airport authorities na manatili ng dalawang oras sa loob ng eroplano upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“May dumating na security but we were advised to stay inside the plane mas safe na daw dito,” ani Perez.

Sa ulat naman ng Embahada ng Pilipinas sa Ankara sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala pa silang natatanggap na ulat na may Pinoy na kabilang sa mga nasawi o nasugatan sa pambobomba sa Istanbul airport.

“According to our Embassy in Ankara, there are no Filipino among the casualties in Istanbul airport bombing,” ani Foreign Affairs Spokesman Charles Jose.

Sinabi ni Jose na pa­tuloy na minomonitor ng Embahada ang sitwasyon sa Istanbul.

Base sa report, nagsimulang umatake ang tatlong suicide bomber nang pasabugan ng bomba at paulanan ng bala ang mga airport guards sa terminal entrance sa paliparan at saka nila pinasabog ang kanilang mga sarili dakong alas-10 ng gabi, oras sa Turkey  o alas-3 ng mada­ling-araw.

Sinabi ng Turkish authorities na kagagawan ng terorista na posibleng kasapi ng Islamic State (IS) ang pag-atake.

Kaugnay nito, naka-alerto at lalong pinaigting ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport ang seguridad sa paliparan dahil sa Istanbul triple suicide bombing.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with