UP, Ateneo pasok sa top 100 universities ng Asya
MANILA, Philippines — Pasok ang University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University (AdMU) sa 100 top universities in Asia ng Quacquarelli Symonds.
Inilabas ang QS University Rankings ngayong Martes kung saan nasa ika-70 pweso ang UP matapos makakuha ng 58.40 na overall score.
Binigyan ang UP ng 74.8 points sa academic reputation, 87.9 percent sa employer reputation at 69.2 percent naman sa faculty-student ratio. Nasa 53.160 ang bilang ng estudyante ng UP.
Samantala, nakakuha naman ng 47.80 na overall score ang Ateneo upang lumagay sa ika-99 mula sa ika-114 nitong nakaraang taon.
Nagtala ng 59.1 na score ang AdMU sa academic reputation, 59.1 sa employer reputation at 55.4 sa faculty-student ratio, kung saan 12,172 ang bilang ng mga mag-aaral.
Samantala, malaki ang itinaas ng De La Salle University na umkay sa 143rd place mula sa 181st, habang bumaba ang University of Santo Tomas na mula sa 143rd ay bumagsak sa 157th.
Ang National University of Singapore ang nanguna na may overall score na 100.
- Latest