MANILA, Philippines – Patuloy ang pag -aalboroto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon Bicol.
Sa nakalipas na 24 oras, ang naturang bulkan ay nakapagtala ng limang volcanic earthquakes, gayundin ng explosion-type tremor.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang bulkan ay nagpakita ng kakaibang mga aktibidad at pag- aalboroto mula pa noong nagdaang buwan ng Mayo at patuloy na nagpapakita ng pag-iipon ng lakas para sa isang malakas na pagsabog.
Ang phreatic eruptions ay nagaganap kapag may patuloy na hydrothermal processes na namumuo sa may ilalim ng bulkan.
Bukod sa volcanic quakes at pamamaga ng bulkan, nakapagtala din ang Bulusan ng mahina hanggang sa katamtaman na pagbuga ng puting usok na may 150 meters ang layo sa nakalipas na 24 oras na pagsubaybay sa bulkan.
Patuloy ding ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinumang indibidwal sa loob ng 4 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan para makaiwas sa epekto ng pagsabog ng Bulusan.