^

Bansa

Lady solons umalma sa ‘sipol’ ni Digong

Gemma Garcia, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma ang mga babaeng lider ng Liberal Party (LP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagsipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa broadcast journalist  na si Mariz Umali sa gitna ng isang pulong balitaan sa Davao City.

Sa inilabas na kalatas ng mga babaeng kongresista na sina House Deputy Speaker Henedina Abad, Dinagat island Rep.Kaka Bag-ao at Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato, tahasan nilang kinondena ang anila’y pagpapakita ng tila kawalan ng respeto ng incoming president sa mga kababaihan.

Giit ng mga kongresista, ang pagsipol ni Duterte kay Umali ay dagdag patunay ng kawalan nito ng respeto sa karapatan at dignidad ng mga babae matapos pa ang kontrobersyal na “rape joke” nito sa 36-anyos na Australian missionary na si Jacqueline Hamill na nagahasa at napatay ng mga preso sa kasagsagan ng jail standoff sa Davao City noong 1989.

Dahil dito, pinaalala­hanan ng mga mambabatas ang incoming president na sa bawat sipol nito ay parang ginagawang normal na ang pambabastos sa mga babae. Ginagawa rin umano niyang manhid ang lipunan sa ganitong insidente at pinapalaganap ang sexual entitlement sa mga lalaki.

Bagama’t kilala uma­no si Duterte bilang magaspang at hindi ka­nais-nais ang pananalita, dapat umano niyang alalahanin na mas mabigat ang inaasahan ng publiko sa susunod na pangulo ng bansa.

Iginiit naman ni Du­terte na hindi pambabastos ang ‘pagsipol’ niya kay Umali. Aniya, bahagi lamang ito ng “freedom of expression” at hindi maituturing na pambabastos. 

“You know, you don’t have any business stopping me every time I (whistles). That is a freedom of expression. Parang you cajole with the woman. (whistles) ‘Miss, saan ka?’ As a matter of fact, when I first saw you [reporter who asked the question], I said (whistles),” ani Duterte. “I was exasperated by the question. Whistling is not a sexual thing. (whistles),” dagdag nito.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with