^

Bansa

Gringo susuporta kay Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Senator Gregorio “Gringo” Honasan na kanyang iboboto si Senator Vicente “Tito” Sotto III sakaling magpasyang sumabak sa Senate presidency dahil “BFF” (best friend forever) umano niya ito.

Sinabi ni Honasan na matutuwa siya kung si Sotto ang susunod na presidente ng Senado.

 “Siyembre matutuwa ako kung siya (Sotto) ang magiging Senate President kasi BFF ko siya, “ ani Honasan.

Sa tingin ni Honasan, si Sotto ang katanggap-tanggap sa nakakarami para maging susunod na lider ng Senado.

Sa ngayon aniya, grupo nila ang may pinakamala­king bilang kaya’t kumpiyansa siya na walang sinumang makakabuo ng kinakailangang 13 boto kung hindi sila kasama.
Pero nilinaw ni Honasaan na mas importante  sa kanilang grupo na masiguro muna na magiging independent, fiscalizer at hindi obstructive ang Senado.  Saka pa lang umano nila pagdedesiyunan kung sino ang dapat maging Senate president at magiging chairmen ng mga komite.

ALAN PETER CAYATENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with