NUP umanib kay Alvarez

MANILA, Philippines - Lumagda na rin sa isang coalition agreement ang National Unity Party (NUP) sa incoming administration party na PDP-Laban.

Sa panig ng PDP-Laban pinangunahan naman ito ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez habang sa NUP naman ay pinangunahan ito ng kanilang Chairman na si outgoing House Deputy Speaker Robie Puno.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, inihaha­yag ng NUP ang kanilang buong suporta sa mga legislative agenda na isusulong ng Duterte administration sa 17th Congress.

Kaugnay nito, isang resolusyon ang ipinasa ng NUP na humihirang kay Alvarez bilang kanilang chairman emeritus na malugod namang tinanggap ng incoming house speaker.

Nagpasalamat naman si Alvarez sa tiyak ng suporta mula sa NUP.

Sa nasabi rin pagtitipon  ipinakilala dito ang susunod na majority leader na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas.

Ang NUP ang ikatlo sa may pinakamalaking partido sa Kongreso na may 32 members.

Show comments