MANILA, Philippines - Mas magiging mabilis umano ang pagtukoy sa magiging pinuno ng Senado sa papasok na 17th Congress ang pagsuporta ni President Elect Rodrigo Duterte kay Sen. Alan Peter Cayetano.
Ayon sa political analyst na si Prof. Mon Casiple, na sa harap ng matinding labanan para sa Senate Presidency sa pagitan nina Cayetano at Senador Koko Pimental, sa bandang huli ay ang susuportahan ni Duterte ang siyang malaki ang tsansa sa Senate presidency.
Paliwanag ni Casiple, sa labanan ng Senate presidency ay si Duterte ang siyang magiging arbiter dahil karaniwan naman umanong nagpapaubaya ay ang hindi ine-endorso ng presidente para bigyang daan ang napipisil nito na maging pinuno.
Unang sinabi ni Senador Cynthia Villar na batay sa impormasyong nakuha niya mula sa kampo ni Duterte, si Cayetano ang napipisil ng incoming president na maupong Senate President kaya naman itinuring nito na “in the bag” na ang pag-upo ni Cayetano.
Nanguna si Villar at incoming senator Manny Pacquiao sa mga lumagda sa resolusyon na nagpapakita ng suporta kay Cayetano.