^

Bansa

Pagsipol ni Duterte sa lady reporter, binira

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma ang isang TV news anchor sa ginawang pagsipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang misis na kapwa anchor/reporter sa GMA 7 na si Mariz Umali habang isinasagawa ang pulong balitaan noong Miyerkules ng gabi sa Davao City.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Raffy Tima,  asawa ni Umali na kilala na niya ang reputasyon ni Duterte at hindi na siya nagugulat pa dito subalit hindi tama para sa isang taong na nagsusulong ng “leadership by example”.

 “I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right. For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic,” ani Tima.

Pinuna pa ni Tima ang reaksyon ng mga nasa pulong balitaan nang magtawanan at ang iba umano ay tila nanghikayat pa na ipagpatuloy ni Duterte ang ginagawa.

Sa kabila nito, sinabi ni Umali na walang lumapit sa kanya upang humingi ng apology sa ginawa ni Duterte at hindi naman niya ito inaasahan.

“Iniintindi natin yan because sa mga coverage natin sa kanya talagang sinasabi niya na ganoon talaga siya and mayroon pa nga siyang sinabi na pabiro noong previous press conference na baka hindi daw perfect si God because he created him that way. Mayroon pa siyang sinabi na kapag daw nagbago siya ay hindi na siya si Rodrigo Duterte,” wika pa ni Mariz.

Samantala, todo-depensa ang kampo ni Duterte sa ginawang ‘catcalling’ at pagsipol kay Umali. Ayon kay incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, hindi pambabastos ang ginawa ni Duterte kay Umali.

“On the contrary, the receiver of that should (feel) complimented. Mayor Duterte is a very kind, playful individual. If he whistles (at you), it means he’s fond of you,” paliwanag pa ni Panelo.

CLEVELAND CAVALIERS

NBA FINALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with