PNP tumaas ang moral kay Digong

Ito ang paliwanag kahapon ni PNP spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor  na pinalagan ang mga pagpuna sa puspusang operasyon ng PNP sa anti-drug operations. Philstar.com file

MANILA, Philippines – Hindi nagpapasiklab manapa’y tumaas lamang ang moral ng PNP sa mga pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte laban sa paglipol sa mga kriminal at illegal drug peddlers na nagbunsod sa serye ng matagumpay na operasyon kung saan maraming mga drug trafficker ang napaslang sa anti-drug campaign.

Ito ang paliwanag kahapon ni PNP spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor  na pinalagan ang mga pagpuna sa puspusang operasyon ng PNP sa anti-drug operations.

Ayon pa kay Mayor, mahalaga ang full backing sa operasyon ng PNP lalo pa nga at nagmula ito sa incoming Commander-in-Chief  upang maging inspirado ang mga pulis sa pagtatrabaho at itaya ang kanilang buhay sa pagganap sa tungkulin.

Ikinatwiran pa ni Mayor na ang mga police operatives ay madalas dumanas ng harassments at kinakasuhan pa sa kabila ng lehitimo ang misyon.

 “(But) when a leader who is considered the father of the organization is always behind you to help and support you…definitely it will boost the morale of those who operate,” ani Mayor sa PNP Press Corps.

Idinagdag pa nito na ang puspusang pagratrabaho ng PNP kontra kriminalidad lalo na ang droga ay nasa polisiya ni incoming President Rodrigo Duterte.

Samantala, idinagdag pa nito na hindi na rin aniya dapat bigyang kulay ang kasipagan ng mga pulis na kinukutya ng ilan na nagpapasiklab lamang kay Duterte dahil ginagawa lamang nila ang trabaho bilang mga alagad ng batas.

Show comments