^

Bansa

2 barangay official sinibak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggal sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang dalawang opisyal ng barangay ng Payatas sa Quezon City matapos mapatunayang guilty sa “grave misconduct” dahil sa paglustay ng pondo ng barangay gamit ang 60 tseke kahit  walang maipakitang pinagkagastusang proyekto.

Sa 17-pahinang desisyon na inaprubahan ni  Overall-Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, sibak sa serbisyo sina Barangay Chairman Manuel Guarin at treasurer Susana Ugaldo. Bukod dito, kinansela rin ang kanilang eligibility, tinanggalan ng retirement benefits at pinagbawalan nang maupo sa alinmang tanggapan sa gobyerno.

Bunga nito, inatasan ng Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kautusan alinsunod sa itinatakda ng Section 15 (3) ng Republic Act 6770 o kilala sa tawag na  Ombudsman Act of 1989.

Sa rekord, ang naturang mga respondents ay nag-isyu ng tseke noong  Pebrero at Marso 2014 na pabor kay Ugaldo, Enthel Trading and Construction at Mymyte Catering Services nang walang inirekord na dahilan.

Inireklamo ng pitong kagawad ng barangay Payatas na sina  Elizabeth Carlobos, Juliet Pena, Alex Arcega, Baby Rosario Abordo, Pedro Bunagan, Erlindo Ganiban at Ma. Isabel Mendoza dahil wala silang nalalaman na anumang public bidding na naisagawa para suportahan ang paglalabas ng pondo. Ang mga tseke ay nilabas bago pa makumpirma ng tresurero ng barangay si Ugaldo noong Marso 4, 2014 at bago maprubahan ang budget ng barangay ng City Council noong Marso 6, 2014.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with