^

Bansa

Canvassing ng Kongreso ikakasa na! Sa presidential at VP race

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Canvassing ng Kongreso ikakasa na! Sa presidential at VP race
Ayon kay Senate Secretary Oscar G. Yabes, ang dalawang kapulu­ngan ng Kongreso ang bubuo sa NBOC para mag­bilang ng mga boto sa nakaraang presidential at vice-presidential race sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.
GEREMY PINTOLO

MANILA, Philippines – Magsasama sa susunod na linggo ang Senado at House of Representatives upang i-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) na magpoproklama sa mga nanalong kandidato sa pagka-presidente at bise presidente ng bansa noong nakaraang eleksiyon.

Ayon kay Senate Secretary Oscar G. Yabes, ang dalawang kapulu­ngan ng Kongreso ang bubuo sa NBOC para mag­bilang ng mga boto sa nakaraang presidential at vice-presidential race sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni Yabes na sa Lunes, uunahin muna ng mga senador ang pagpasa ng ilang panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa at sa susunod na araw sila magtutungo sa House of Representatives para sa pagbuo ng NBOC.

“Sa Mayo 23 tatapusin muna ng Senado ang mga trabaho nito at ipapasa sa pangatlong pagbasa ang ilang panukalang batas sa huling yugto ng enactment. Sa susunod araw, tutuloy sila sa House para sa pagbuo ng NBOC,” paliwanag ni Yabes.

Pagtitibayin ng Senado at Kamara sa pa­ngunguna nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang resolusyon para sa joint public session sa May 24, na gagawin sa House of Representatives building sa Quezon City.

Sa joint session bubuuin ng dalawang kapulungan ang mga rules para sa canvassing at bubuin ang Senate at House panels na kakatawan sa Joint Canvassing Committee.

 Ang  nasabing komite ang magsasagawa ng actual na pagbibilang ng boto na inaasahang pormal na magsisimula sa Mayo 25.

Ang pagbibilang ng boto ng NBOC para sa susunod na presidente at bise presidente ay trabaho ng Kongreso na naaayon sa Konstitusyon.

Ang Commission on Elections ang tagabilang naman ng mga boto ng mga kandidatong senador at lokal na kandidato at nagproklama ng mga nanalo.

Batay sa unofficial at partial tally ng botohan sa presidente, nangu­ngunguna si Davao Mayor Rodrigo Duterte. Nag-concede na sa kanya ang mga nakalaban niya sa halalang pampanguluhan na sina Sen. Grace Poe, Mar Roxas, at Jejiomar Binay.  habang sa pagka-bise presidente ay na­ngunguna si Leni Robredo bagaman halos gitgitan sila ni Sen. Bongbong Marcos.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with