^

Bansa

Tax reform ni Duterte may suporta na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado na kaagad sa Senado ang planong tax reform ni incomng President Rodrigo “Rody” Duterte.

Ayon kay Senator Sony Angara, dapat lamang na magkaroon ng malawakang reporma sa buwis sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Tiniyak rin ni Angara na mas paiigtingin niya ang pagsusulong ng kanyang panukalang baguhin ang sistema ng pagbubuwis sa pagsisimula ng ika-17 Kongreso.  

Unang ipinanukala ni Angara ang Senate Bill 2149 na naglalayong ibaba ang bayarin sa buwis at tapyasin hanggang sa 25% ang kasalukuyang 32% tax rate. 

Layunin din ng panukala ni Angara na mula sa pitong tax brackets ay gawing 5 brackets na lamang ito.

Isinulong rin ni Angara noong nakaraang Nobyembre ang mas komprehensibong reporma sa buwis na ibabase sa inflation. 

Sa kasalukuyan, pangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asean na may pinakamataas na tax rate sa 32 percent kasunod ng mga nangungunang Vietnam at Thailand na nagpapatupad ng 35 percent tax. 

Matatandaan na hindi pinaboran ng gobyernong Aquino ang panukalang ito ni Angara sapagkat posible umanong malugi ng P30B ang pamahalaan kahit pa nagdeklara naman ang gobyerno na may daan-daang bilyong pisong underspending ito.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with