MANILA, Philippines – Itinigil na ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang imbestigasyon sa umano’y pamamaslang ng Davao death squad (DDS) na iniuugnay kay presumptive president Rodrigo Duterte.
Ayon sa ulat, wala na sa kustodiya ng gobyerno ang testigo.
Nitong nakaraang dalawang linggo ay kinumpirma ng DOJ ang ginagawa nilang imbestigasyon sa DDS.
Dati na ring kinondena ni senator-elect at dating Justice Secretary Leila de Lima earlier ang summary executions ng kilabot na death squad.