^

Bansa

Cha-cha, Federalism, death penalty prayoridad sa 17th Congress

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mga panukalang batas na Charter Change (Chacha) sa pa­mamagitan ng Cons­titutional Assembly (Con-Ass), Federalism at death penalty ang panguna­hing agenda na tutukan ni incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, sa oras na ito ay maupo na bilang House Speaker ng 17th Congress.

Kaagad namang isi­nantabi ni Alvarez ang pangambang magkaroon ng Martial Law.

Paliwanag ni Alvarez, ang unang tatlong nabanggit ang gustong ma-execute o maisakatuparan ni incoming President Rodrigo Duterte.

Idinagdag pa nito na ang Federalism at panukalang death penalty ang may personal na tulak ni Duterte at nais magkatotoo sa pamamagitan ng Kongreso.

Tiwala naman si Alvarez na makakalusot ang death penalty sa Mababang Kapulungan.

Umaasa rin ito na sa kanyang posibleng speakership, ay magkakaisa ang mga mambabatas para maisulong ang mga lehislasyon na bahagi ng inaasam na pagbabago.

Sa ngalan din umano ng Duterte administration, ay nagpapasa­lamat si Alvarez sa lahat ng mga Kongresista na nagselyo na ng suporta sa kanya.

CEBU NEWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with