Villar iiwanan ang pwesto sa Kamara para sa DPWH
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Las Piñas Rep. Mark Villar ngayong Martes na tinanggap na niya ang alok na pwesto sa gabinete ni presumptive president Rodrigo "Rody" Duterte.
Sinabi ni Villar na tinaggap niya ang pwesto sa Department of Public Works on Highways matapos konsultahin ang kaniynag pamilya.
Nasa ikatlong termino na si Villar matapos muling manalo bilang kinatawan ng Las Pinas sa katatapos lamang na eleksyon at dahil sa pagpasok niya sa gabinete ay babakantehin niya ang napanalunang pwesto.
Sa ilalim ng Republic Act 7166, kinakailangang magsagawa ng special election ang Commission on Elections upang mapunuan ang nabaknteng pwesto.
Dating pangulo ng Crown Asia at MGS Corporations si Villar bago pinasok ang politka noong 2010.
Anak si Villar ni dating Sen. Manny Villar at ngayo’y kasalukuyang Sen. Cynthia Villar.
- Latest