Bigti sa kriminal - Duterte

MANILA, Philippines - Hindi lamang simpleng pagbabalik ng parusang bitay ang nais ni presumptive President Rodrigo Duterte kundi nais niyang sa pamamagitan ito ng ‘hanging’ o bigti.

Sinabi ni Duterte sa mediamen kamakalawa ng gabi sa Davao City, nais niyang sa pamamagitan ng ‘bigti’ ang pagbabalik ng death pe­nalty lalo sa mga nagkasala sa drugs at naka­gawa ng karumal-dumal na krimen kabilang ang robbery with rape.

“What I would do is urge Congress to restore the death penalty by hanging, especially if you use drugs,” wika pa ni presumptive President Duterte sa media briefing kahapon ng madaling araw sa Hotel Elena.

“If there is no fear in the law, wala yan. Yung hanging, once the spine is ripped off inside, wala na. Just like putting off a light,” wika pa ni Duterte.

Aniya, sa pamamagitan ng ‘hanging’ o bigti ay virtually painless ito kumpara sa lethal injection na naipatupad na.

Magugunita sa ikalawang Pilipinas Debate 2016 sa Cebu City unang ipinakita ni Duterte ang pagpabor niyang ibalik ang parusang bitay lalo sa mga drug cases.

Samantala, nais din ng susunod na presidente na magmumula sa Davao ang kanyang magiging security escorts dahil mas kompor­table ito kung kababayan niya ang magbibigay sa kanya ng seguridad.

Plano din ni Duterte na ibenta na lamang ang presidential yacht upang gamitin na lamang sa Ve­terans Memorial Hospital ang mapagbebentahan nito.

Show comments