MANILA, Philippines – Naniniwala ang kampo ni vice presidential bet at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na wala nang habol si Sen. Bongbong Marcos.
Sinabi ni Robredo sa kanyang mensahe matapos ang misa sa Ateneo de Manila University, nagpapasalamat siya sa kanyang mga supporters na hindi bumibitaw sa laban.
Ayon kay Boyet Dy, wala nang habol si Marcos at nakakasiguro na ang panalo ni Robredo.
Gitgitan pa rin ang laban nina Marcos at Robredo subalit nasisiguro ng kampo ni Leni na wala nang habol si Marcos kahit ito pa ang nanalo sa absentee voting sa mga OFW’s.
Kaugnay nito, nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kay Bongbong na mag-concede na kay Leni.
Ayon kay Batocabe, ang pinakamabuting gawin ngayon ni Marcos ay irespeto ang resulta ng halalan at ibigay na sa tunay na nanalo ang pagiging bagong Bise Presidente ng bansa, at ito ay kay Robredo.
Ipinaalala pa ng mambabatas ang ginawang pag-concede ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente nang walang sabi-sabi na nadaya sila.