^

Bansa

Mga kandidato lumagda sa covenant

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maging mapanuri at makilahok sa eleksyon.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kahapon bilang bahagi ng kanyang homily kasunod ang covenant signing na  Truthful, Res­ponsible, Upright, Transparent and Honest (TRUTH) Elections ng mga kandidato sa Manila Cathedral.

Ayon kay Tagle, mapalad ang Pilipinas na isang  lipunang demokratiko na nakakalahok ang iba’t ibang uri ng tao sa eleksiyon. Hindi umano dapat na sayangin ng bawat Filipino ang pagkakataon dahil ito ay para naman sa bansa.

Binigyan-diin ni Tagle na kailangan lamang na ma­ging mapanuri ang mga botante sa kandidato na kanilang ipupuwesto dahil ito ang mag-aangat ng kanilang pamumuhay at tutupad sa kanilang mga pangarap.

Nais ni Tagle na masiguro na magiging maayos  ang halalan sa kabila ng kabi-kabilang batuhan ng mga akusasyon lalo pa’t ang mga Filipino ang siyang apektado ng away pulitika.

Kabilang sa mga dumalo ay sina presidential candidates Vice President Jojo Binay, Mar Roxas, at senatorial candidates Vice Mayor Isko Moreno Domagoso, Roman Romulo, Toots Ople, Martin Romualdez, Raffy Alunan, Francis Tolentino, Risa Hontiveros, Leila de Lima,  Rey Langit at Getulio Napenas.

Hindi naman nakadalo sina Sen. Grace Poe, Mayor Rodrigo Duterte at  Sen. Miriam Defensor –Santiago.

Sinaksihan ang covenant signing nina Comelec Chairman Andres Bautista, PPCRV Chairperson Henrietta De Villa, ilang mga watchdog, opisyal ng PNP at AFP.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with