MANILA, Philippines - Umakyat na sa ika-pitong rank si senatorial candidate Joel “TESDAMAN” Villanueva mula sa 10-12th rank sa pinakahuling Pulse Asia survey.
“Lubos po akong nagagalak sa resulta ng survey. Bunga ito ng tumitinding suporta ng ating mga kababayan sa programang ating isinusulong. We will not relax, we will work harder than ever,” wika pa ni TESDAMAN.
Nagsilbi bilang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at three-term partylist CIBAC Partylist congressman si Villanueva na nakasento ang kanyang agenda sa quality education, sustainable na trabaho at livelihood para sa taumbayan.
“Sa paglibot po natin sa iba’t-ibang lugar sa bansa at sa pakikipag-usap natin sa ating mga kababayan, nakita at naramdaman natin ang pangangailangan nila sa edukasyon, trabaho at sa buhay na may dignidad. Ito po ang nagtutulak sa atin para lalong magpursigi na makapagsilbi sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni TESDAMAN.
Isinagawa ng Pulse Asia-ABS CBN ang survey mula April 5-10 sa may 4,000 respondents na may margin of error of plus or minus 1.5 percent.
Lubos ang pasasalamat ni TESDAMAN sa lahat ng nagtitiwala at naniniwala sa kanyang isinusulong na advocacy na mas maraming trabaho, mas masayang buhay. Sa nakaraang Pulse Asia survey noong Mar 29-Apr 3 ay nasa 11th place si Villanueva.
Tumatakbo si TESDAMAN sa ilalim ng platapormang TESDA--Trabaho, Edukasyon, Serbisyo, Dignidag and Asenso.