MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang change of command sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon ng umaga matapos magretiro si Gen. Hernando Iriberri.
Pumalit kay Iriberri si Lt. Gen. Glorioso Miranda bilang acting chief of staff.
Miyembro ng Philippine Military (PMA) Class of 1983 si Lt. Gen. Miranda at kasalukuyang deputy chief of staff.
Pinasalamatan ng Pangulo si Gen. Iriberri sa matapat na serbisyo nito sa AFP at inaasahan naman ni PNoy na itutuloy ni Lt. Gen. Miranda ang yapak ng kanyang predecessor.
Si Miranda ay tubong San Fernando, La Union. Si Iriberri ang ika-56 Chief of Staff ng AFP.
Nabatid na hindi na nagtalaga ng permanenteng Chief of Staff si PNoy upang mabigyan ng pagkakataon ang susunod na Pangulo ng bansa na pumili ng opisyal na pagkakatiwalaan nito sa nasabing top post sa AFP.