MANILA, Philippines — Kinondena ng Malacañang ngayong Biyernes ang pagpapakalat ng mga hackers ng mahahalagang impormasyon ng mga botante kasunod ng pag-hack sa website ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ng Palasyo na nakikipag-ugnayan na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Comelec upang hindi na maulit ang pag-atake.
"Concerned government agencies, including the DOST-Information and Communications Technology Office, are closely coordinating with the Comelec, to further strengthen its security protocols," pahayag nila.
Kumalat kahapon sa internet ang isang website kung saan maaaring makita ang mahahalagang impormasyon ng nasa 70 milyong botante na nagparehistro sa Comelec.
Humingi na ng paumanhin ang Comelec at pinayuhan ang mga naapektuhan na magpalit ng mga password upang maiwasan ding ma-hack.
Inako ng grupong LulzSec Pilipinasa ang pagpapakalat ng mga impormasyon ng mga botante.
Nahuli na naman kahapon ang isa sa mga umano’y nasa likod ng pag-hack ng website ng poll body.
Nakilala ang suspek na si Paul Biteng, 23-anyos na graduate ng Information Technology.