^

Bansa

Poe, ‘Best Servant Leader’-Veritas survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanguna ang kandidatong presidenteng si Senador Grace Poe sa pinakabagong truth survey ng Radio Veritas hinggil sa “Servant Leadership qualities” ng mga presidential candidates sa halalan sa Mayo 9. Isinagawa ang survey sa unang quarter ng taong 2016.

Ipinahiwatig ni Radio Veritas President Rev. Fr. Anton C.T. Pascual na sa survey ay tinanong ang mga respondent sa buong bansa hinggil sa ipinalalagay nilang dapat na kalidad bilang lingkod na lider ng mga kakandidatong pangulo.

Hiniling sa mga respondent na rangguhan ang limang kandidatong presidente batay sa 10 kalidad ng isang servant leader-listening, empathy, healing, awareness, persuasion, conceptualization, foresight, stewardship, commitment to the growth of the people, at building community.

Isinagawa ang Truth Survey ng Veritas para matukoy kung ang mga kandidato sa darating na halalan ay nagtataglay ng mga katangian ng isang servant leader batay sa kanilang pananaw ng mga botante at tayahin kung paano makakaapekto sa desisyong ito ng mga botante ang mga katangiang ito.

Batay sa resulta ng survey, ipinalalagay ng maraming Pilipino na si Poe na isang independiyenteng kandidatong pangulo ay merong mga katangian ng isang servant leader makaraang manguna siya sa siyam mula sa 10 qualities ng isang servant leader na merong over-all percentage of 59 percent.

Sinundan siya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na laging pumapangalawa sa kalahati ng mga inihaing katangian at merong over-all percentage of 51%.

Tabla sa ikatlong puwesto si Mayor Rodrigo Duterte at Manuel Roxas II sa tinamo nilang 44 percent habang si Vice President Jejomar Binay ay nakakuha ng over-all percentage of 41 percent.

Nang mabigyan ng lahat ng scores ang bawat kandidato sa bawat servant leadership trait, lumitaw sa survey ang pananaw ng mga respondent sa pagkakaroon ng mga kandidato ng mga katangiang ito: awareness (61%); listening (56%); conceptualization (53%); empathy (51%) at foresight (50%).

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with