3-M boto kay Bongbong – Lakas-CMD

MANILA, Philippines – Tatlong milyong boto ang pangako ng  partidong Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) kay Vice Presidential candidate at Senador Bongbong Marcos na kanilang napiling kandidato para sa pagka-bise presidente ngayong May elections.

Ayon kay  Raul Lambino, secretary-general ng Lakas-CMD, ina-adopt nila si Marcos bilang kanilang kandidato sa bise presidente kung saan dumaan ito sa proseso ng nominasyon nang ginawa ng partido ang plenary session nito sa Manila Golf Club sa Makati City kamakailan.

Nabatid na ni-nominate ni dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay si Marcos bilang bise presidente ng partido na sinang-ayunan naman nina Cavite Rep. Lani Mercado at Lambino. Ang mosyon ay inaprubahan nang walang tumutol sa mga delegado.

Tinanggap naman ni Marcos ang pagsuporta sa kanya at sinabing isang malaking karangalan sa kanya ang pag-adopt sa kanya ng partido.

 

Show comments