MANILA, Philippines – Umarangkada nang tuluyan ang kandidatura ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at napanatili nya ang pagiging nasa unang pwesto sa pinakahuling survey sa vice presidential race.
Sa pinakahuling non-commissioned Pulso ng Pilipino survey na ginawa ng Issues and Advocacy Center mula April 1 to 7, 2016, nanguna pa rin si Marcos sa puntos na 28.5 percent, mas mataas mula sa 27 percent na nakuha n’ya noong March 16-22, 2016 na ginawa din ng IAC.
Nasa pangalawang pwesto si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may 23.5 percent. Naungusan nya si Sen. Francis Escudero na nakakuha ng 22.5 percent. Pumang-apat si Sen. Allan Peter Cayetano na may 16 percent. Sinundan siya ni Sen. Gregorio Honasan na may 4.25 percent at Sen. Antonio Trillanes IV na may 3.75 percent. 1.75 percent naman ang Undecided.
Nanguna si Marcos A/B (27 percent), D (23 percent) at E (24 percent) socio-economic classes.
Sinabi ni Ed Malay, Director of IAC, na ang survey, na parte ng kanilang adbokasiya na bigyan ng impormasyon ang publiko ukol sa mga tumatakbo sa May 9, 2016 elections, ay may confidence level na 98 percent at margin of error na plus or minus 2.5 percent.
Sa presidential race, nanguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 29 percent, na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 24 percent.
Nasa pangatlong pwesto si Vice President Jejomar Binay na may 22 percent na sinundan ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may 19 percent.
Si Senador Miriam Defensor Santiago ay nasa pang-limang pwesto na may 2.3 percent ang Undecided. Ani Malay ang pagtaas ng suporta kay Marcos ay dahil sa mga Marcos loyalists na hindi lamang mula sa Solid North ngunit matatagpuan sa buong bansa.