MANILA, Philippines - Ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards), ang pinakamatagal at pinaka-prestihiyosong paligsahang pampanitikan sa Pilipinas, ay tumatawag muli sa lahat ng manunulat na nagnanais ipamalas ang kanilang talento.
Sa ika-66 nitong taon, ang tagapangasiwa nito na Carlos Palanca Foundation, Inc. (Palanca Foundation) ay naghayag na tumatanggap na ng mga lahok para sa mga sumusunod na kategorya:
* English Division – Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry Written for Children, One-act Play, and Full-length Play;
* Filipino Division – Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tulang Para sa mga Bata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, and Dulang Pampelikula;
* Regional Languages Division – Short Story-Cebuano, Short Story-Hiligaynon, and Short Story-Ilokano.
Gayundin, ang Kabataan Division, isang espesyal na sangay na natatangi para sa mga batang manunulat edad 17 taon o mas bata pa, ay bukas na rin para sa mga pampanitikang lahok na may temang:
* Kabataan Essay – How do social media affect the formation of self-identity in the youth?
* Kabataan Sanaysay – Paano makaaapekto ang “social media” sa paghubog ng mga kabataan.
Ang lahat ng kalahok ay hinihikayat na magpasa bago ang huling araw ng ika-30 ng Abril 2016.
Ang mga opisyal na alituntunin at registration form ay makukuha mula sa mga tanggapan ng Palanca Foundation sa Unit 603, 6th Floor Park Trade Centre Bldg., 1716 Investment Drive, Madrigal Business Park, Ayala Alabang, Muntinlupa City o sa Unit 3G, OPL Bldg., 100 C. Palanca St., Legaspi Village, Makati City, o di kaya ay maaaring i-download mula sa CPMA website <www.palancaawards.com.ph>.