^

Bansa

Ayon sa 11 COA audit Walang overprice sa Makati building

Butch Quejada, Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabas sa 11 auditing na isinagawa ng Commission on Audit mula 2008 hanggang Pebrero 2014 na walang overpricing sa pagpapagawa ng Makati City Hall Building 2.

Ito ang idiniin kahapon ni United Nationalist Alliance President Toby Tiangco na nagsabi pa na ang naturang auditing sa loob ng anim na taon ay binalewala ngayon ng sinasabing special audit na isinagawa ng COA pagkaraan lang ng ilang buwan.

“Nabahiran ng motibong pulitikal ang pinabilis na special audit report na bumasura sa naunang mga COA report kabilang yaong sa sariling technical expert ng ahensiya,” puna ni Tiangco.

“Basta Binay paspas ang COA pero hanggang ngayon, wala pa rin ang pinangako nilang COA report sa paggamit ng PDAF ng administrasyong Aquino simula 2010. Halos anim na taon na yan pero ni anino ng report wala tayong nakikita sa COA,” dagdag niya na nagpasaring sa kawalan ng report ng COA sa paggamit ng administrasyong Aquino sa Priority Development Assistant simula 2010.

Tinukoy pa ni Tiangco ang February 2014 technical audit report na, rito, sinasabi ng resident auditor na si Cecilia Caga-anan na makatwiran ang pagkakapresyo sa pagpapagawa ng Building 2.

“Batay sa resulta ng Contract Reviews ng COA-TAS (Technical Audit Specialist) na iprinisinta nuong una, ang contract cost ng Makati City Parking Building ay itinuturing na makatwiran batay sa COA Resolution No. 91-52 dated September 17, 1991,” isinaad sa  report.

Ang report ay isinumite sa National Capital Region (NCR) local government sector head Carmelita Antasuda bilang tugon sa kahilingan ni Renato Bondal na muling magsagawa ng audit report sa proyekto.

Ayon sa COA report, walang basihan sa alegasyon ni Bondal na merong diperensiya sa actual project cost at datos mula sa National Statistics Office (NSO).

Binalaan ni Tiangco ang COA na maaari itong makasuhan dahil sa paglabag sa sarili nitong 2015 resolution at patakaran sa pagpapalabas ng kulang na report.

Sinabi pa ni Tiangco pumasa sa 11 regular audit ang proyekto kaya malinaw na nilikha ang special audit team para siraan si Vice President Jejomar Binay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with