57-M balota tapos sa Abril 25 - Comelec

Kampante si Commission on Elections Chairman Andres Bautista na matatapos ang printing ng halos 57 milyong balota hanggang Abril 25 na itinakdang deadline. STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines - Kampante si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na matatapos ang printing ng halos 57 milyong balota hanggang Abril 25 na itinakdang deadline.

Inumpisahan na kahapon ng umaga ang 24/7 operation ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Sinasabing may 56.7 milyong balota ang dapat ma-imprenta ng NPO para sa 54 milyong rehistradong botante sa bansa at extra ballot para sa mock elections, testing at sealing.

Ang balota ay mas maigsi ngayon kaysa sa balota ng nagdaang 2010 at 2013 elections.

Gayunman may tat­long klase ng balota ang ga­gamitin. Mula sa da­ting balota na may lapad na 8.5 inches at habang 29 inches ay naging 8.5 by 19 inches na lamang ngayon. Ang 8.5 by 15.1 inches ay para sa mga OFWs at 8.5 by 24 inches sa Mindanao.

Paliwanag ni Bautista, mahahaba ang pangalan ng mga kandidato sa Mindanao at may mga Arabic characters kaya mas mahaba ang gagami­ting balota.

P20 naman ang budget ng Comelec sa kada pira­so ng balota.

Show comments